💤

ᜈᜄ᜔ᜋᜋᜑᜎ᜔, ᜐ᜔ᜁᜀᜂ
trans. - ( Nagmamahal, Xiao. ) -Ang iyong boses ay kasing tamis at kalmado tulad ng isang anghel, Isang bagay na nagpapabilis ng tibok ng puso ko, At habang ang liwanag ng buwan ay sumasalamin sa iyong mga mata, Naliligaw ako at hindi ko maiwasang lalong mabighani sa tuwing nakikita kita. - pinapangako ko mamahalin ka sa mga araw na hindi na maintindihan sa mga araw na hindi na tayo magkaka intindihan. mamahalin ka palagi at kailanman, sa ligaya, sa lungkot, at sa lahat ng emosyon na mararanasan o mararamdaman. mamahalin kita hanggang huli at kamatayan. mahal kita sa una, sa gitna, at sa huli. ikaw lang ang aking tinatangi at tinuturing na pinaka-mamahal ko sa buong buhay. isa ka sa pinaka madaming tao sa mundo. ikaw lang ang iibigin at uuliting ibigin muli, sa bawat planeta o kahit sa kabilang buhay. ako'y sayo lamang. ( hindi ako magaling tumula sa sariling linggwahe natin pero sana'y magustuhan mo ) hindi ko inakala, na ako’y muling iibig pa.Pagkat ang puso ko noon, ay tila namanhid na.Ang usal sa sarili, di na ako susubok pa.Mas nanaisin na lamang, ang mamuhay na mag-isa ngunit dumating ka at pag ibig mo ay ipinadarama. ang hatid sa puso ko’y, ibayong sigla’t saya.Ipinapangako na pag-ibig mo’y, pakaiingatan ko sinta.Ikaw lang ang iibigin ko, hanggang sa huling higit nitong aking hininga. -hinding hindi ako magsasawang mahalin ka ng buong puso, aking mahal ko. maniwala ka saakin, ikaw lamang ang minahal ko ng higit. minamahal kita ng totoo at walang iba, ikaw lamang ang aking mahal. ikaw lang. kung itatanong mo bakit ikaw? bakit nga ba ikaw? ikaw dahil ikaw ang hinahanap ng puso ko, ikaw ang tinatawag nito at handa akong gawing lahat para maranasan mo palagi na mahal kita, minamahal kita higit pa sa lahat. ---- Para sa nag-iisa, para sa natatangi, nais ko lang sabihin na paborito ko ang ‘yong ngiti. lahat ng pangamba ay napapawi, sa aking pagmamahal ay wala kang kahati. para sa nag-iisa, sa aking inspirasyon, hindi magbabago ang pagsinta, lumaon man ang panahon. Pagtingin ay lalong lumalalim na parang balon,Pag-ibig ay nadaragdagan din na parang mga taon. Para sa nag-iisa, sa walang kasing ganda, pati na ang kalooban at hindi lamang ang mukha.Kaya naman lalo ako sa iyong nahahalina,sa mundong ito’y nag-iisa, walang kapareha. Para sa nag-iisa, sa aking walang hanggan,nais ko lamang na iyo laging pakatatandaan. Ikaw lang ang gustong kapiling sa bawat kinabukasan, Hanggang sa pagtanda ikaw lamang ang hahagkan. at aminin kong hindi tayo laging masaya,May lungkot at galit na minsa'y nadarama, Ngunit sa kabila ng lahat ng mga problema, Pagmamahal ko sayo'y hindi bababa sa sobra. Mamahalin ko ang tulad mo higit pa saking sarili, Bibigay kong lahat masilayan lang ang yong ngiti, Sisikapin kong pasayahin ka palagi. Mahal na mahal kita Mahal kita Ikaw ang aking buhay Habambuhay.

💤